image
Tuesday, March 18, 2008

ANG PAGSISIMULA

ang blog na ito ay maaaring hindi maglaman ng mga killer posts, maaaring walang kwenta basahin at maaaring magkaron ng grammar errors. pero kung walang perpektong tao, wala rin namang perpektong blog diba?

dito mo masasaksihan ang pagbabagong buhay ni Kat Choknat. dito mo mababasa ang lahat ng kanyang masasabi tungkol sa mga bagay sa paligid niya. dito mo siya makikilala nang mabuti. dito siya magpapahayag ng kanyang mga kuru-kuro tungkol sa mga bagay na maaaring di napapansin ng ibang mga tao. dito niya ipapahayag ang mga bagay na nararamdaman/naiisip niya.

di bale na kung sino man ang makabasa, basta't nakapagpahayag siya.

8:27 AM


Tagboard