Thursday, March 20, 2008
DEAR DREAM GUY,naisipan kong magsulat tungkol sa'yo dati pa kaya lang wala akong time. so ngayon, hindi ko na maalala ung exact things na nangyari.
nakilala kita sa panaginip. at naset mo ung mood ng dream into something... romantic? HAHA! pero serioso ako, somehow masaya ung panaginip ko. alam ko rin naman na ung mga ganung tipo ng panaginip ay hindi sineserioso (lalo na kasi hindi kita kilala personally) pero nakakatuwa siya, in a way.
hindi ko maalala ung itsura mo, basta ang alam ko, wala, normal. hindi ka tulad ng mga artista o ng mga lalaking nakikita sa kalye. para kang... ung tipong nakikita mo lang sa mall, or ung tipong kapitbahay. siguro ganun. ganun ung level mo, gitna, tamang tama lang.
although hindi ko parin maalala lahat nung mga nangyari, somehow medyo naaalala ko parin ung mga naramdaman ko dun sa panaginip. para talagang totoo. hm, oo ang weird. pero masaya. para bang... parang...
panaginip. isang
magandang, masayang, sana-maulit-muling panaginip.
dear dream guy, ngayong medyo nahihirapan na ulit ako matulog, sana magkaroon pa ako ng mga panaginip na tulad nung ganun. ung mga panaginip na parang nakaka-inlove. mas masaya ang mainlove sa panaginip. parang, kakaiba. :)
3:09 PM