Saturday, April 12, 2008
MAY IDEYA KA BA KUNG...gaano kasayang magshopping sa Department Store?
sabihin na nating maarte ako, pero dati iniisip ko na ang cheap ng mga damit sa Dept. Stores. ewan ko, iniisip ko kasi na sila ung hindi branded, ung common bilin, ung tipong hindi aabot ng standards ko. iniisip ko dati na kalevel niya ung Surplus stores.
and in my attempt to be unique, bumibili nalang ako sa mga mamahalin na stores. tulad ng Orange Juice at Anti-Fit na hindi naman that reasonable ung prices kasi umaabot ng P500+ ang isang shirt.
anyway, dahil ngayon-ngayon naiiwan ako sa mga malls, wala akong magawa kundi mag-ikot at maghanap/bumili ng magandang damit. and now, allow me to compare Robinsons Galleria Department Store sa SM Megamall Department Store.
basis of comparison: ung floor kung saan nandun ung teens' wear.
Robinsons: meron silang brand called Whatever! na composed of okay na statement t-shirts sa murang prices (discounted: P150).
MARAMI rin silang formal dresses.
SM: they've got it all for you! meron silang shirts na magaganda ranging from P300 to P500. meron silang magagandang pambatang jacket na P600; ewan ko nga lang kung may size natin. meron silang magagandang skinny jeans na either P500 or P600, I'm not that sure. meron silang maraming hair accessories na magaganda. maraming board shorts na cool ang design. at, kakarevonate lang, so sosyal siya tingnan ngayon. HAHA!
nakakita rin ako ng shirt sa SM na talagang ako for P300. it's pink and may drawing/doodle ng animal robots. ANG COOL! I love it so. :)
so 'yun. I can't wait na bumalik sa SM Megamall at mag-department store shopping!
7:18 AM