image
Tuesday, April 8, 2008

MOCK EXAMS.

they're designed to make certain people feel stupid.


malamang hindi ako exception dun. nakakabobo. para bang pinipiga ang utak kong wala namang maipipiga. and no, I'm not exaggerating.

nakakafrustrate ung mock/diagnostic UPCAT na ginanap kanina. wala akong alam tungkol sa tangents, circles, geometric sequences, Ohm's Law, work, gravity, newtons, blah blah blah. nawala sa utak ko ung formulas ng hypotenuse, right triangles atbp. narealize ko kung gaano kahirap sumagot ng Reading Comprehension questions kapag di mo naman din binasa ang selection para makasave ng time. nabablanko parin ako sa word analogies. note to self: find time to read the dictionary.

okay, ang geeky at narealize ko na wala ring magagawa ang pagrereklamo. kinakailangan kong mag-adjust at magsipag kung gusto kong maging mentally/grade "stable".

so kanina, bago nito at after ko maligo, binuklat ko ang Geometry and Algebra books ko para makaabsorb ng unting information. at oo, alam ko na alam nyong hindi ako ung tipong may pakialam sa grades, pero di ko maexplain eh. iba talaga.

wala akong karapatan maging overconfident or whatever sa mga okasyon tulad nito. kailangan kong mag-aral, kailangan kong maging grade-stable dahil kinabukasan ko ung nakasalalay.

7:59 PM


Tagboard