Saturday, April 12, 2008
NARANASAN MO NA BANG...
lakarin ang streets ng Ortigas?
dahil ang Robinsons Galleria at ang office ni papa ay about mga 6 to 8 blocks ang distance sa isa't isa, nilalakad ko nalang. at kung mga 10:00 ako umaalis, mga 10:20 ako nakakarating sa Robinsons.
anyway, 'yung paborito kong daanan na street ay ang Emerald Ave. ang saya-saya ng feeling kasi pinapaligiran ka ng matataas na building at magagandang restaurants. nakakatuwa kasi ang lalapad ng walkway at walang araw dahil malilim. maidagdag ko pa na umiihip ang hangin sa direksyon na opposite sa'yo. kumbaga, parang hindi siya any other busy street ng Pilipinas.
lalong nakakatuwa kasi naiimagine ko ang sarili ko na nakasuot ng corporate attire tas lumalakad dun papuntang office.
HAHA! talagang nangarap eh noh? kumbaga parang sa The Devil Wears Prada, ung scene na naglalakad sila tas ang gaganda ng damit.

kumbaga parang ganyan pero mas maganda ang damit. :))
ewan ko, nakakatuwa lang. naiimagine ko talaga sarili ko.. parang ung pagkaimagine ko sa sarili kong nagddrive ng magandang kotse sa Ateneo/UP. HAHA!
libre naman mangarap, diba diba? :P
6:44 AM