Friday, April 25, 2008
SA MALAPITAN.
magkaharap tayo kanina. magkatapat. 'dun tayo pormal na nagkakilala. nakita ko ang bawat galaw mo kahit na hindi ako direktang nakatingin sa'yo. at sinong nakakaalam? baka nakita mo rin ung mga kilos ko habang di talaga nakatingin sa'kin.
narinig ko bawat sinasabi mo. at narinig mo ang bawat sinasabi ko. nakita ko ung mga sinulat mo sa Cattleya filler mong pink. nakita ko handwriting mo. nakita ko mga scores mo sa evaluation kay sir Wacks. at baka nakita mo rin ung magulo kong notepad, ung minadali kong handwriting at kung anu-ano pang kababalaghang ginawa ko.
sinabi mo na nakita mo ako nung first day na parang kinakabahan, natawa/naaliw ka naman. natawa ka sa tono ng boses ko nung sinagot ko ung "single? taken?" na tanong ni sir sa bawat mag-aaral. tinuruan kita sa isang Math problem kahit hindi rin naman tayo gaanong nag-usap. nakisanib ako sa'yo tungkol sa 39 animals in a farm composed of 40 pairs of feet na tanong sa Math, kaya lang di mo yata narinig kasi binulong ko lang 'yun sa katabi ko.
inasar mo 'yung mga katabi ko. sila ung lagi mong kinausap. sa'kin naman sila nagtanong. pinaglaruan mo 'yung card, tinatapon-tapon mo sa kung saan saan. nagkataon ngang napunta pa sa ilalim ng study kit ko ung baraha mo. tapos, tinapon mo rin sa kabila ung baraha. parang nahinuha ko rin noon na baka may gusto ka sa kanya. kaya nakinig nalang ako sa usapan nyo, kahit mukhang hindi at na wala akong pakialam.
nagmukha kang tulala habang nagkunwari akong tulala. nang malapit na ang uwian, inasar tayo ng isa nating kaklase. alam niyang may gusto ako sa'yo. sinabi ko ang lagi kong sinasabi na "tsss". tapos narinig mo yata dahil ganun din reaksyon mo sa pang-aasar niya.
tapos ewan ko nalang. dahil pagkatapos ng insidente, napagtanto kong mas gugustuhin kong magkagusto nalang sa'yo sa malayuan.
5:17 PM