image
Tuesday, July 1, 2008

KUNG IGGRAPH TAYO SA CARTESIAN PLANE

isa akong parabola
na bumubukas paitaas.
habang ikaw ang x-axis.

'yung ordinate ng vertex ko
ay positive. di pwedeng zero.
joke lang. siguro pwede pala.
pero 'yun lang ang
point of intersection natin.

pwede rin tayo
maging asymptotes.
'yung palapit nang palapit
sa isa't isa.
kaya lang di talaga mag-iintersect.

pero, the heck. :))
parabola and x-axis nalang.
para kahit papano,
meron iisang point of intersection.

kasi, hindi ko naman maipagkakaila na
dumating ka sa buhay ko eh.

pero, pero. pagkatapos,
babalik at lalayo narin sa axis.

6:19 PM


Tagboard