Saturday, July 26, 2008
LOVE TEAM.to say or not to say?
maaari kong sabihing
crush kita at na lagi kitang naiisip.
na 'pag naglalakad kami sa mall,
naghahanap ako ng pwedeng iregalo sa'yo.
maaari kong sabihin
na di kumpleto araw ko 'pag di ka nakakausap.
na natutuwa ako pag nakikita kitang nakangiti.
at na pinipigilan ko ang sarili ko kasi baka sobra na.
maaari kong sabihin
ang lahat ng iyan.
gusto ko.
pero ayaw ko.
ano naman kaya ang iisipin mo?
ano ang iisipin nila?
seseryosohin mo ba ako?
o iisipin mong kalokohan lang?
natatakot ako na
baka matulad sa dati.
na biglang mawawala,
biglang magsasawa.
natatakot ako na
baka matulad din sa dati.
na matagal mawala.
na mahirap.
natatakot ako kasi
baka hindi ka seryoso.
na hindi tayo magkapantay.
na maisip mong nagkamali ka.
natatakot ako kasi
baka mali ako.
baka masaktan ka lang.
baka ito'y tulad ng mga di nababalik sa dati.
sinabi ko na
hindi ko sasabihin sa'yo.
pero tama lang ba
kung wala akong gagawin?
10:27 PM