Friday, August 8, 2008
dearest ________,
alam ko naman na may HD ka sa'kin eh. kahit na naeepalan ako sa'yo kasi nakakailang 'yung ways ng pagpaparamdam mo, gusto kong malaman mo na natatawa nalang ako sa mga pinaggagawa mo. gusto ko rin sabihin sa'yo na naiilang ako pag lumalapit ka sa'kin. oo na, mali na yung mga pinaggagawa ko, pero sana naman huwag kang lumapit at magtanong-tanong ng mga bagay. pwede mo naman din kasi sabihin indirectly. hindi 'yung tipong tinatanong mo pa 'yung process ko ng pagkuha.
salamat nung sinabi mong cute 'yung dimples ko. salamat din nung sinabi mo na ang sarap pakinggan ng boses ko. gusto kong malaman mo na ito'y mutual. :) na nakyukyutan din ako sa dimples ko at na natutuwa ako pag naririnig ko 'yung maliit kong boses na parang pambata.
pero, hindi ka ba naaano? I mean, medyo malaki rin yung agwat ng tanda natin.
hm, so ayun. kahit na inaasar tayo. at na may nagseselos sa'kin kasi may HD ka nga... gusto kong malaman mo na hindi ko nalang sila papansinin at hindi ko 'to seseryosohin. alam ko naman din kasi na pa-joke lang 'yung mga sinasabi mo.
pero, oo. flattered talaga ako. :)) thank you ah. :) sort of kinilig ako dahil sa'yo. though I'm quite sure na mas kikiligin ako 'pag hindi sa'yo galing yun. at I'm pretty flattered na narinig ko rin 'to sa'yo, hindi lang kasi ikaw 'yung nagsabi sa'kin nun. :)
Your object of affection,
Kat Santos
3:04 PM