Wednesday, August 13, 2008
SA CWJ ASSIGN:
pano na 'yan, wala akong nastalk/observe.
maaari akong magsulat tungkol sa kanya,
na habang naglalakad ay nakaslouch at nagbobounce.
na habang nagtuturo ay nakatingin sa kawalan.
na nang-aasar ng mga estudyante dahil wala lang.
pwede akong magsulat tungkol sa kanya
'yung taong lagi kong nakikita pag lumilingon sa klase.
'yung taong dinadaldal ng katabi,
'yung pinagttripan ng klase
'yung nagbabasa ng nobela nang nakapikit ang mata.
pwede rin na tungkol sa kanya,
'yung kapareho 'kong hindi sumasandal sa sandalan.
na para makinig sa teacher ay naka (heads down?)
dun sa part ng chair na ginagawang sabitan ng bag (ng kalikod).
'yung taong nagsstaple ng papel kanina.
pero parang mas masaya kung tungkol sa'yo.
ikaw na nakangiti habang naglalakad.
na, bigla-bigla ko lang makikita sa campus.
na minsan ay kumakain nang nakatalikod.
na kahit gusto kong makita, di ko kayang tingnan.
---
malabo. haha. basta.
9:12 PM