Monday, August 18, 2008
TULAD NG DATI.
dati = past.
do the math.full moon na ulit. naaalala ko yung dati. alam mo bang hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon hindi mo pa tinatanggal 'yung tula? akala ko nagsawa ka na 'dun by now. akala ko rin na hindi mo pa yun dinedelete kasi 'yun nalang 'yung natitira. I mean, na nadelete mo na 'yung exact message at na natanggal mo na sa multiply. pero alam mo, sort of natutuwa ako. kasi kineep mo 'yun. I guess talagang natuwa ka noon dahil dun?
ang mga sophomores ngayon ay abala sa kanilang Mayamang Babae-Pobreng Babae. naalala ko nung gabi ng Agosto 23. naalala ko 'yung napag-usapan nating "magch-Chinese dress nga ako eh"-"dadaan ako sa classroom niyo". naalala ko nung napadaan ka nga sa classroom. pero hindi ko lang matandaan kung sinabi ko ba talaga sa'yo kung kailan yung period namin ng Pinoy noon, kasi eksaktong MB-PB time ka dumaan (hindi nga lang sumakto sakin, pero as if naman aasa pa ako)
gaya nga ng stat mo nung araw na nabasa mo yung "Lourdes Rowena Sabellina" post (na hindi ko alam kung para ba sa'kin o ano):
on my own. on your own.
somehow masaya ako kasi alam mo na nakapagmove on na 'ko. pasensya nalang kung naging burden pa ako sa'yo. na parang naguguilty ka sa mga kadramahan ko. gusto kong malaman mong hindi ko ireregret na nakilala kita (and na naging special ka).
gusto kong malaman mong aware ako sa limitations ko. na aware akong may nagpapasaya sa'yo. na aware akong di na talaga tulad ng dati. hindi ko nga lang sigurado kung maibabalik pa yung dati. pero sa tingin ko naman hindi mo na gusto ibalik yung eksaktong dati eh. I'm guessing na, kung gusto natin irevive yung past friendship, wala nang hihigit pa dun; purely friendship ang lahat.
kanta ko nga pala sa'yo ang Burnout ng Sugarfree. :)
---
EDIT [8:10 AM-Blogger Time]:hindi ko alam yung dapat na mafeel ko.
naaalala mo pa pala yung libro?
ano na kayang nangyari dun?
never kong nalaman kung nagustuhan mo ba or what.
4:49 PM