image
Sunday, April 12, 2009

IN AN ATTEMPT TO KEEP MYSELF SANE.

Hindi mo ako masisisi na pabago-bago yung isip ko.

Una kasi sa lahat, hindi ko naisip na kaya kong maabot yung ganun. Oo, ganun kasi kababa yung tingin ko sa sarili ko. Eh ngayon na alam kong kaya ko na at ngayong medyo naniniwala na ako sa sarili kong kakayahan, maipagkakait mo pa ba sa akin ang gusto ko? :\

Gusto ko makita kung ano pa ang kaya ko. Gusto ko subukan ang mga bagay na takot akong gawin. Gusto kong sumali sa kaguluhang dulot ng Unibersidad ng Pilipinas at makita kung ano yung magiging itsura ko paglabas.

Pero ayaw nyo. Lagi niyo namang ayaw eh. Nakakawalanggana tuloy lalo.

8:49 PM


Tagboard